Marami ang natuwa’t nagalak nang nagkaroon ng pagkakataon ang mga piling estudyante ng St. Mary Mazzarello School at Bl. Laura Vicuña School,(Negros), Mary Help of Christian School at mga kabataan ng Punta Community (Cebu) na malaman at magising sa katotohanang nakapalibut sa paggamit ng Medya.
Ang Medya nga naman ay marami nang naidulot na maganda sa buhay ng tao, sa katunayan ay isa na eto sa mga kaagapay natin sa pang-araw araw na gawain. Gaya nalang ng pagpaparating natin sa mga mahal natin sa buhay ng mga katagang nagpapaalala na mahalaga sila sa atin dahil mahal natin sila. Pero hindi natin napapansin na habang tumatagal ang paghawak natin sa medya ay mas nahihirapan tayong kahit pansinin man lamang ang mga taling unti unting nagbubugtong sa atin at hindi na namamalayang na unti unti na din pala tayong nakakawala sa pagkakakapit natin sa maykapal.
Maliban sa napapadali at napapagaan ng medya ang mga bagay bagay ay nakakaligtaan naman natin na ang lahat ng bagay, kung sumobra, ay nakakasama. Hindi naman ipinagbabawal ang paggamit ng medya kaso nga lang kailangan din nating alalahanin na dapat tayo ang kumontrol sa medya at huwag hayaang lamunin ng mundong Virtual ang mundong dating napupuno ng tawa at halakhak ng mga taong nakakasama. Higit sa lahat ay ang tuluyang paglimut sa sarili na siyang nagiging dahilan ng ating pagtalikod sa panginoon na siyang lumikha nang dahil lamang sa pagkawili natin sa medya.
Alalahanin, Itanong sa sarili, pagtuonan ng pansin, pahalagahan at gumising. Ikaw ba ay sa’yo at sa Panginoon o ikaw ba’y siyang baliw na alipin ng mundong virtual at medya?
-By Dio Obineta